Monday, March 1, 2010

Hindi ko alam

kung bakit ako ginanahan na gumawa ng bagong blog. Tulad ito sa mga bagay na lagi ko sinisimulan pero madalas na hindi naipagpapatuloy, hindi natatapos. Pero sa palagay ko, mas marami akong puwedeng masabi kaysa sa mga tula ko o sa mga nasasabi ko na sa ilang sariling microblog.

Gusto ko sana sabihing tagtuyot, pero hindi tuyo ang mga ideya ko.

***

May yabang talaga 'yon bukod sa sadyang mayabang ang pagkasabi.

***

Nitong nakaraang weekend, natapos ko basahin ang tatlong libro ng tula ng mga kilala (sa akademya?) na mga makata. Hanggang ngayon, tanong pa rin sa isip ko kung paano nila nahuhugot 'yung ganoong pagtula. Kung ano ang iniisip nila habang nagsusulat, o ano ang mga impluwensya sa pagsusulat. Pero di ko pa rin maisip. Lalo at hindi ako ganoon tumula.

***

Maikli at abstrakto, lagi ko naiisip na parang nagbabasa ako ng mga puwang. Kumbaga, titingin ka sa langit kapag gabi, tapos maraming bituwin. Pero ang papansinin mo, 'yung espasyo sa pagitan nila, sa paligid nila. Puta, wasak di ba? Pero ewan, hindi ko gusto. At hindi ko magustuhan.

***

May yabang talaga 'yon bukod sa sadyang mayabang ang pagkasabi.

***

Buti pa si Mao Zedong, maikli ang tula pero wasak pa rin:


Militia Women
Inscription on a Photograph

How bright and brave they look, shouldering five-foot rifles
On the parade ground lit up by the first gleams of day.
China's daughters have high-aspiring minds,
They love their battle array, not silks and satins.


***

May maikli-ikling tula rin si Stephen Dunn:


Salvation

Finally, I gave up on obeisance,
and refused to welcome
either retribution or the tease

of sunny days. As for the can't-be-
seen, the sum-of-all-details,
the One-oh, when it came

to salvation I was only sure
I needed to be spared
someone else's version of it.

The small prayers I devised
had in them the hard sounds
of split and frost.

I wanted them to speak
as if it made sense to speak
to what isn't there

in the beaconless dark.
I wanted them to startle
by how little they asked.


***

Parang mayabang rin 'yung pagkatula nila, no? Sabi sa 'yo, wasak, e.

***

Napag-uusapan na rin ang "yabang," mukhang nawawala na ang yabang ng paborito ko na si Kobe Bryant. Pang-apat na lang siya sa Race to the MVP sa NBA. Tanggap ko sana na hindi na siya mag-MVP ngayon, basta huwag lang si Lebron James ang magbaback-to-back. E kaso, mukhang ganoon na nga ang mangyayari. Congrats na, Lebron. (Pero sabi nga sa isang fan page sa Facebook: if Lebron is King, then Kobe must be God.)

Nanalo naman ang Lakers kanina sa Denver na ilang beses na sila tinatambakan ngayong season. Makabawi-bawi naman kahit hindi ganoon kaganda ang inilalaro nila.

Sa tingin ko--kami pa rin--Lakers pa rin ang magchachampion.

***

May yabang talaga 'yon bukod sa sadyang mayabang ang pagkasabi.

***

Naghahanda ako ngayon ng mga tula na ipapasa sa Iyas (kung sakaling magkapera ako pampaprint at para magpadala) at sa Iligan (kung sakaling magkapera sila at matuloy ang workshop). Matapos ang dalawang workshop na nalusutan ko noong isang taon, ang palagi ko sinasabi sa sarili ko at sa ilang kaibigan, isa na lang e ayoko na umulit. Isa na lang at huli na iyon.

***

May yabang talaga 'yon bukod sa sadyang mayabang.